Yah right. Here comes the real world. And YES, I am over-reacting ....and panicking.
------------ [ Francis Arviee Canlas, Unemployed = sucks ] ------------
Sa mga taong walang pasensya na tulad ko (which I am working on), mas lumalamang ang salitang PERA. Kaya ko bang maghintay ng isa pang buwan na pagtambay dito sa bahay nang wala pang trabaho. Of course NOT!
Madami akong PANGARAP, karamihan ay makapagtrabaho ako sa isang magandang kumpany na magbibigay hustisya sa apat na taon kong pinag-lagi sa kolehiyo. Dahil lamang sa kawalan ng pasensya sa paghahanap ng trabaho ay mukhang unti-unti kong mabibitawan ang mga nasabing PANGARAP ko na ito.
Bukas ang simula. Paalam PANGARAP na nga ba?
PERA. Wala na ata ito sa bangko at lumipat na sa mga call center. Oo, kahit labag sa aking kalooban ay susubukan kong magtrabaho sa isang call center. Sigurado rason na din ang kalakihan ng sweldo ngunit talagang rason ko ay makahanap na agad ng trabaho.
Ano ba naman ang isa o dalawang taon na mag-ipon muna at kumuha ng work experience? OK LANG YUN (pero ito ay defense mechanism ko lang para magmukhang okay sa akin ang aking gagawing hakbang)
PERA O PANGARAP. PASENSYA? PARA! PERA NA ATA MUNA!
Well actually, iyan na lang talaga ang kulang ko para maka-graduate aside from pag-aayos ng zipper ng pinaka-maayos kong black pants dahil nakakuha na ako ng TOGA, nakabili na rin ako ng LONG SLEEVES at maayos na mukhang parang bago pa din naman ang black shoes ko.